

Isa ito sa mga napuna sa pelikula ni Sen. Lapid, ang dala raw niya doon ay Kalinga na kalasag. May nabasa rin ako na ang kalasag daw ni Lapu-lapu ay parang sa mga Bagobo.
1. Ano po ba talaga ang itsura ng kalasag ng mga Bisaya? Mayroon po ba sa mga museo ng tunay nito?
Ang mga tribo natin ay gumagamit ng dalawang hugis ng kalasag, iyong pahaba at pabilog (na ang tawag sa Tagalog ay palisay yata). Narito po ang mga drowing ng kalasag ng mga Bagobo mula sa aklat ni Fay-Cooper Cole, “The Wild Tribes of Davao District, Mindanao.”
[singlepic id="44" w="90" h="90" mode="" float="left" ]
2. Pangalawa pong tanong ko ay paano po ba nakakabit ang hawakan at buckler (iyong bilog na bakal) dito? Inuka ba, nakarematse, nakaturnilyo o nakadikit ng paste?
3. Pangatlo po ay kung paano po dinadala iyong pahaba? Karamihan po sa larawan ng mga Bagobo at Bukidnon ay bitbit nila ito na nasa ibaba iyong pabilog na dulo, di tulad ng nasa monumento ni Lapu-lapu na ang pabilog ay nasa itaas.
[singlepic id="45" w="90" h="90" mode="" float="left" ]
picture reference ng mga Bagobo at Bukidnon, para sa pagtaya ng haba ng mga sibat at kalasag relatibo sa
tao.
[singlepic id="67" w="90" h="90" mode="" float="left" ]
Dagdag na pic reference ng mga pana at busog mula sa aklat ni Cole.
Busog at pana ng mga Bagobo
Busog at pana ng mga Bukidnon
round shield – probably copied the handle from Spanish rodela, but the construction is most likely old.
http://www.pinoyblender.com/kalasag-ni-lapu-lapu-mga-bagobo-at-bukidnon-t505.html
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.

